bokyang love life.

Wala munang logic-logic ok. Magpaka-bitter na tayong lahat!Bwahaha.

Mahirap makipag-break.Oo.
Pero mas mahirap kung ikaw yung hiniwalayan.Yung hindi mutual kumbaga.
Parang ikaw na ang pinaka-panget at pinaka-walang kwentang tao sa mundo. Ang saklap kung hindi mo naman talaga ine-expect tapos boom! Ayaw na pala sayo ng loko. Kahit ano pang dahilan yan, pucha. The bottom line is: iniwan ka. Ampanget mo kasi.HAHA! Joke.
Sabi nga, kung gusto, maraming paraan pero kung ayaw maraming dahilan.
Its not you, its me. Gago. Haha!

Kapag iniwan ka, ayan na ang mga malulungkot na kanta.
Andyan ang "The art of letting go", "Until i get over you" o "I don't wanna be your friend" kung gusto mong magdrama at mag-reminisce ng masasayang moments noong kayo pa. Minsan may mga break up songs na pilit kang pasasayahin like yung kanta ni Pink na "So What". Ipaparamdam sayo na ok lang na iniwan ka kasi kaya mo naman. Sinong niloko mo? Haha!
Deep inside naman nagkukumahog ang damdamin mo at nagdurugo ang puso mo dahil sa pagkaka-dump sayo ni "baby".Hindi ko sinasabing masamang makinig sa mga feel-good music. Pag inulit ulit mo namang pakinggan yun, darating din ang point na tuluyan ka nang maniniwala sa sinasabi ni Pink.

Kapag may break-up andyan na ang mga tanong ng mga kaibigan mo na Bakit? Anong nangyari? Wushu. Gusto lang nilang makichismis. Hindi. hehe. Pag wala ka nang karelasyon, dapat bumalik ka na sa mga kaibigang ni-neglect mo noong masaya ka pa sa piling ni ex. Hello. Kelangan mo ng karamay, at ang the best karamay ay ang mga kaibigan. Sa punto kasi na iyon mo mararamdaman na biglang ang dami mo nang vacant time. E wala na yung dati mong pinaggugugulan ng oras mo. So friends, I'm back from the grave!

Andyan rin ang kagustuhan mong gumanti sa nang-iwan sayo(e.g. trying to win your ex back). Maraming na-develop na strategies ukol dito.Dalawa lang ang sasabihin ko, mahirap na baka mabasa to ng mga notorious heartbreakers. :p
 Una at ang pinaka-popular na panakip butas. Maghanap ka ng iba, o kung wala kang maloko e magbayad o mangontrata ka para makakuha ng bagong love life.  Pagselos-in mo si ex, malay mo ay ma-realize nya na mali sya sa pangiiwan sayo.
Pangalawa ang beautification. haha. Magpapagupit, mag-aayos, magdiet, bumili ng bagong mga damit at magbabago ng image. Bakit? Para kapag nakita ni ex ay magsisi sya dahil iniwan ka nya. Pwede rin naman para makaakit ka ng iba at patunayan sa ex mo, pati na sa sarili mo na may asim ka pa.

Hindi nag-work? Andyan parin naman ang pinaka-original sa lahat, ang pagmamakaawa. Lumuhod ka sa ex mo at magmakaawang ibalik ka nya. Hay.

Walang fool-proof sa mga nabanggit ko. Iniwan ka na nga e, what makes you think na gusto ka pa nyang balikan?nyanyanyanyanya! >:p Panget! Haha!

Mas ok siguro kung sinabihan ka nalang nyang panget kesa sa mga to:
mahal kita PERO sagabal ka sa buhay ko...
mahal kita PERO mali tong relasyon na to...
mahal kita PERO may mas mahal akong iba...
mahal kita PERO ang sama kasi ng ugali mo...
mahal kita PERO hindi na kita matiis....

Atleast pag panget ka, wala ka nang magagawa at wala ka nang babalikan. Alangan namang sabihin mo, "wag mo ko iiwan, pramis bukas iba na mukha ko..". Mas madali kang makakaget over pag ganon.

Dibale my dear brokenhearted friends, sabi nga nila sa mga loveless: swerti ka naman sa karer. OK nang panget, mayaman naman.

Comments

Popular Posts